{"id":2303,"date":"2026-07-15T15:49:15","date_gmt":"2026-07-15T15:49:15","guid":{"rendered":"https:\/\/atingalumin.site\/?page_id=2303"},"modified":"2026-07-29T18:51:13","modified_gmt":"2026-07-29T18:51:13","slug":"articles","status":"publish","type":"page","link":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/articles\/","title":{"rendered":"Articles"},"content":{"rendered":"\t\t<div data-elementor-type=\"wp-page\" data-elementor-id=\"2303\" class=\"elementor elementor-2303\">\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-8a290ed e-con-full e-flex e-con e-parent\" data-id=\"8a290ed\" data-element_type=\"container\" data-e-type=\"container\">\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-4bd964c elementor-widget elementor-widget-heading\" data-id=\"4bd964c\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"heading.default\">\n\t\t\t\t\t<h2 class=\"elementor-heading-title elementor-size-default\">ARTICLES<\/h2>\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<\/div>\n\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-b2d4372 e-flex e-con-boxed e-con e-parent\" data-id=\"b2d4372\" data-element_type=\"container\" data-e-type=\"container\">\n\t\t\t\t\t<div class=\"e-con-inner\">\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-1eae269 elementor-widget__width-initial elementor-widget elementor-widget-n-accordion\" data-id=\"1eae269\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-settings=\"{&quot;default_state&quot;:&quot;all_collapsed&quot;,&quot;max_items_expended&quot;:&quot;one&quot;,&quot;n_accordion_animation_duration&quot;:{&quot;unit&quot;:&quot;ms&quot;,&quot;size&quot;:400,&quot;sizes&quot;:[]}}\" data-widget_type=\"nested-accordion.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t<div class=\"e-n-accordion\" aria-label=\"Accordion. Open links with Enter or Space, close with Escape, and navigate with Arrow Keys\">\n\t\t\t\t\t\t<details id=\"e-n-accordion-item-3210\" class=\"e-n-accordion-item\" >\n\t\t\t\t<summary class=\"e-n-accordion-item-title\" data-accordion-index=\"1\" tabindex=\"0\" aria-expanded=\"false\" aria-controls=\"e-n-accordion-item-3210\" >\n\t\t\t\t\t<span class='e-n-accordion-item-title-header'><div class=\"e-n-accordion-item-title-text\"> Sa Likod ng Pag-iral ng Pagtatawas sa Rizal <\/div><\/span>\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<\/summary>\n\t\t\t\t<div role=\"region\" aria-labelledby=\"e-n-accordion-item-3210\" class=\"elementor-element elementor-element-11405d2 e-con-full e-flex e-con e-child\" data-id=\"11405d2\" data-element_type=\"container\" data-e-type=\"container\" data-settings=\"{&quot;background_background&quot;:&quot;gradient&quot;}\">\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-7f05ed8 elementor-widget elementor-widget-image\" data-id=\"7f05ed8\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"image.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t<img fetchpriority=\"high\" decoding=\"async\" width=\"1200\" height=\"801\" src=\"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/IMG_0791.jpg\" class=\"attachment-1536x1536 size-1536x1536 wp-image-4538\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/IMG_0791.jpg 1200w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/IMG_0791-300x200.jpg 300w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/IMG_0791-1024x684.jpg 1024w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/IMG_0791-768x513.jpg 768w\" sizes=\"(max-width: 1200px) 100vw, 1200px\" \/>\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-ba3a79e elementor-widget elementor-widget-text-editor\" data-id=\"ba3a79e\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"text-editor.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<p>Written by: Rufino H. Caimol III<\/p>\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-4ddbbc0 elementor-widget elementor-widget-text-editor\" data-id=\"4ddbbc0\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"text-editor.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<p><span style=\"font-size: 5em; font-weight: bold; float: left; margin-bottom: 1rem; margin-right: 8px; margin-top: 1.8rem; color: #ebebeb;\">M<\/span><\/p><p>abilis ang pag-progreso ng teknolohiya at medisina ngayon, pero buhay pa rin sa Rizal ang isang lumang kasanayan: ang pagtatawas. Gamit man ang patak ng kandila sa plato, tubig, o tawas mismo, hindi lang basta lumang paniniwala ang ritwal na ito. Isa itong mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino at ng paraan ng pag-aalaga sa isa&#8217;t isa.<\/p><p>Sa mga kuwento ng mga lokal sa Rizal na sina Helen Catapia, Romeo P. Lozano, Rolyn Mae Maramyas, at Mary Ana Yalong, may isang malinaw na punto: ang pagtatawas ay hindi kaaway ng mga doktor. Sa halip, isa itong simpleng paraan para makahanap ng paunang tulong at ginhawa kapag may nararamdamang sakit.<\/p><p>Kadalasan, iniisip ng karamihan na magkalaban ang pagtatawas at modernong medisina. Pero sa totoong buhay sa komunidad, nagtutulungan ang dalawang ito. Para sa maraming magulang, ang pagtatawas ang unang ginagawa kapag nagkakasakit ang anak. Tulad ng naaalala ni Helen Catapia (49), naroon ang nakaugaliang paniniwala na &#8220;kapag daw ipatatawas ang bata ay huwag mo munang dadalhin sa doktor&#8221; dahil sinasabing &#8220;hindi raw po gagaling kung may &#8216;tawasin&#8217; &#8216;yung bata.&#8221; Dagdag pa niya, &#8220;automatic tatawag ka ng magtatawas,&#8221; at kapag hindi pa rin nagbago ang pakiramdam, &#8220;the second day, kailangan mo na siyang dalhin sa doktor.&#8221;<\/p><p>Ganito rin ang pananaw ni Mary Ana Yalong (49). Aniya, karaniwang ginagamot sa tawas ang mga batang &#8220;may superstitious belief na &#8216;pag sumakit &#8216;yung tiyan or iyak ng iyak,&#8221; lalo na kapag nag-aalala ang pamilya na &#8220;baka may nakabati sa kanila na hindi nakikita.&#8221; Dahil hindi pa kayang ipaliwanag ng bata ang kanyang nararamdaman, &#8220;ang unang pumapasok sa amin muna is &#8216;yung magtatawas bago namin sila dalhin sa hospital.&#8221;<\/p><p>Ayon pa kay Mary Ana, marunong ding kilalanin ng mga magtatawas ang kanilang limitasyon. Ipinaliliwanag din nila sa pamilya na &#8220;baka meron pang ibang cause ng nararamdaman,&#8221; kaya kapag hindi na ito kayang idaan sa ritwal, &#8220;pinapadoktor talaga namin &#8216;yung mga bata.&#8221;<\/p><p>Habang ang mga doktor ay nakatutok sa mga sakit base sa siyensiya, ang pagtatawas naman ang tumutulong sa mga sakit na nanggagaling sa paniniwalang Pilipino\u2014tulad ng usog, nakabati, o kaya ay ang hindi sinasadyang pag-istorbo sa mga hindi nakikitang nilalang sa paligid.<\/p><p>Ikinuwento ni Rolyn Mae Maramyas (34) ang kanyang karanasan nang magbuhos siya ng tubig sa labas ng bintana malapit sa puno ng santol at nagising na may mga pantal. Nang magpatawas siya sa Angono, pinagkalooban siya ng &#8220;lana&#8221; o langis at binigyang-diin na hindi nakatatakot ang proseso dahil &#8220;tatanungin ka lang naman kung ano &#8216;yung ginawa mo,&#8221; at sa pamamagitan ng papel ay lalabas kung &#8220;may nasagi ka&#8221; o &#8220;may natapunan ka ng tubig.&#8221; Nang tanungin ukol sa pangkalahatang pakiramdam sa lugar ng magtatawas, pahiwatig niya na &#8220;magaan lang&#8221; ang loob ng pumapasok doon.<\/p><p>Para naman kay Romeo P. Lozano (56), ang pagpapatawas ay nakakabit sa pananampalataya at pagtitiwala sa Maykapal. Para sa kanya, walang dahilan upang mag-alangan sapagkat ang Panginoon &#8220;ang nagbigay ng buhay natin,&#8221; at tuwing nagpapatawas ay nararamdaman niyang &#8220;parang gumagaan&#8221; ang kanyang katawan.<\/p><p>Bagaman buhay pa rin ang tradisyon, nahaharap din ito sa mga pagbabago. Ipinaliliwanag ni Helen na sa henerasyon ngayon, tinitingnan na ang tawas sa pamamagitan ng siyensiya sapagkat &#8220;science na &#8216;yung pinaniniwalaan nila,&#8221; habang ang iba naman ay nag-aalangan dahil baka isiping &#8220;inaasa &#8216;yung sakit nung pasyente doon sa magtatawas.&#8221;<\/p><p>Subalit ang pangunahing suliranin ay ang pagkaunti ng mga nagpapatuloy nito. Tulad ng obserbasyon ni Mary Ana, &#8220;kung walang kukuha at walang magpapapasahan, mawawala talaga &#8216;yung pagtatawas na &#8216;yan.&#8221; Inihalintulad niya ito sa mga tradisyonal na manghihilot ngayon: &#8220;punta ka na lang ng mall may maghihilot na sa likod mo doon na makina,&#8221; dahil ang mga taong tunay na marunong ay &#8220;nauubos na sila.&#8221;<\/p><p>Sa kabila ng lahat, nananatili itong mahalagang bahagi ng kultura. Sa huli, nag-iwan ng paalala si Helen para sa mga kabataan: bagaman maraming tradisyon ang tila nakakalimutan na, &#8220;hindi naman kailangang pagtawanan or kalimutan &#8216;yun, kasi naging bahagi ng kultura natin &#8216;yun.&#8221; Sa halip, ang mahalaga ay unawain at &#8220;respect each other&#8217;s beliefs.&#8221;<\/p>\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t\t<\/details>\n\t\t\t\t\t\t<details id=\"e-n-accordion-item-3211\" class=\"e-n-accordion-item\" >\n\t\t\t\t<summary class=\"e-n-accordion-item-title\" data-accordion-index=\"2\" tabindex=\"-1\" aria-expanded=\"false\" aria-controls=\"e-n-accordion-item-3211\" >\n\t\t\t\t\t<span class='e-n-accordion-item-title-header'><div class=\"e-n-accordion-item-title-text\"> Simpleng Pamumuhay ni Aling Rosalea <\/div><\/span>\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<\/summary>\n\t\t\t\t<div role=\"region\" aria-labelledby=\"e-n-accordion-item-3211\" class=\"elementor-element elementor-element-9d17693 e-con-full e-flex e-con e-child\" data-id=\"9d17693\" data-element_type=\"container\" data-e-type=\"container\" data-settings=\"{&quot;background_background&quot;:&quot;gradient&quot;}\">\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-be56ee2 elementor-widget elementor-widget-image\" data-id=\"be56ee2\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"image.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t<img decoding=\"async\" width=\"1024\" height=\"1536\" src=\"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/4-1024x1536.jpg\" class=\"attachment-1536x1536 size-1536x1536 wp-image-4524\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/4-1024x1536.jpg 1024w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/4-200x300.jpg 200w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/4-683x1024.jpg 683w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/4-768x1152.jpg 768w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/4.jpg 1365w\" sizes=\"(max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/>\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-7e760a6 elementor-widget elementor-widget-text-editor\" data-id=\"7e760a6\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"text-editor.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<p>Written by: Rufino H. Caimol III<\/p>\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-b3286f2 elementor-widget elementor-widget-text-editor\" data-id=\"b3286f2\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"text-editor.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<p><span style=\"font-size: 5em; font-weight: bold; float: left; margin-bottom: 1rem; margin-right: 8px; margin-top: 1.8rem; color: #ebebeb;\">S<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">i Rosalea Gutierrez Recafrente, na mas kilala ng marami bilang &#8220;Ka Rosie&#8221; o Nanay Rose, ay ipinanganak noong Hunyo 13, 1944. Siya ay isang tanyag na mangtatawas at manghihilot na matagal nang naninirahan at naglilingkod sa lugar ng Bilibiran sa lalawigan ng Rizal. Ayon kay Nanay Rose, nagsimula ang kanilang pamumuhay roon noong ang kanyang bunsong anak, na ngayon ay limampung taong gulang na, ay apat na taon pa lamang. Sa paglipas ng mahabang panahon, nakilala siya sa kanilang komunidad bilang isang taong takbuhan ng mga may karamdaman, lalo na iyong mga nagmula na sa mga doktor ngunit hindi pa rin nakararanas ng ginhawa. Kapag walang ginagamot, abala lamang siya sa mga simpleng gawaing-bahay tulad ng pagluluto at paglilinis.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Hindi lubos na maipaliwanag ni Nanay Rose kung paano siya eksaktong natutong magtawas at manggamot. Ayon sa kanya, naging bukal na lamang ito sa kanyang kalooban at itinuturing niya itong isang natatanging kaloob mula sa Panginoon. Nagsimula ang kanyang kaalaman nang minsan siyang makatanggap ng isang kopya tungkol sa pag-aaral ng &#8220;reflexology&#8221; kung saan nakasulat ang iba&#8217;t ibang bahagi sa katawan at kung anong sakit ang katumbas ng mga ito. Kanyang kinabisado ang mga impormasyong ito at ginawang batayan sa kanyang pagmamasahe at panggagamot. Nang lumaon, maging ang sarili niyang pamilya at mga anak ay kanyang nagagamot nang maayos at walang anumang pangamba.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Napakasimple lamang ng mga pamamaraan ni Nanay Rose sa kanyang pagtulong sa mga maysakit. Madalas siyang gumamit ng luya at dulaw upang gamutin ang mga bukol at lagnat ng mga lumalapit sa kanya. Kapag may pasyenteng sumasakit ang tiyan dahil sa usog o masamang hangin, nginunguya niya ang luya at pagkatapos ay iihipan niya ang ulo at tiyan ng pasyente. Maingat siya sa paggawa nito; naglalagay muna siya ng sapin na damit upang hindi maluto o masaktan ang balat ng pasyente dahil sa anghang ng luya. Para naman sa mga sakit na tulad ng &#8220;kulebra,&#8221; mahigpit niyang bilin na dapat itong gamutin nang tatlong magkakasunod na hapon. Ginagawa niya ito kapag ang araw ay palubog na, na may kasamang bulong na sumama na sana ang sakit sa tuluyang pag-alis ng araw.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Bukod sa panghihilot at pag-ihip ng luya, kilala rin siya sa kanyang galing sa mismong pagtatawas gamit ang kandila. Sa pamamaraang ito, nagsisindi siya ng kandila at taimtim na nagdadasal habang itinututok ito upang ang usok ay bumuo ng mga hugis sa isang papel. Mula sa mga lumalabas na hugis\u2014tulad ng tao, hayop, o ibon\u2014nababasa ni Nanay Rose kung sino o ano ang dahilan kung bakit sumasakit ang katawan ng isang tao. Isang beses nga ay nakakita siya ng hugis ng maraming manok sa tawas, at napag-alaman niyang ang pasyente ay nagmula pala sa isang manukan kung saan may mga hindi nakikitang nilalang na nakabati sa kanila.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Sa kabila ng kanyang natatanging kakayahan, nananatiling mapagpakumbaba si Nanay Rose at hindi niya kailanman itinuring ang sarili bilang isang doktor. Sa katunayan, nahihiya siya kapag tinatawag siyang doktor ng kanyang mga pasyente sa pampublikong sasakyan dahil alam niyang magkaiba ang kanilang propesyon. Palagi niyang inuuna ang pagtawag sa Panginoong Diyos at kay Mama Mary bago siya magsimulang manggamot. Hindi rin siya namimilit ng mga taong magpagamot sa kanya; ito ay palaging kusang-loob. Bilang isang responsableng mangtatawas, nililinaw niya sa mga pasyente na susubukan nilang gamutin ang sakit sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Kung matapos ang palugit na ito ay hindi pa rin humuhupa ang sakit o bukol, siya na mismo ang nagpapayo na dalhin na ang pasyente sa isang tunay na doktor. Hangga&#8217;t may lumalapit at humihingi ng tulong, patuloy siyang maglilingkod sa kapwa nang may pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.<\/span><\/p>\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t\t<\/details>\n\t\t\t\t\t\t<details id=\"e-n-accordion-item-3212\" class=\"e-n-accordion-item\" >\n\t\t\t\t<summary class=\"e-n-accordion-item-title\" data-accordion-index=\"3\" tabindex=\"-1\" aria-expanded=\"false\" aria-controls=\"e-n-accordion-item-3212\" >\n\t\t\t\t\t<span class='e-n-accordion-item-title-header'><div class=\"e-n-accordion-item-title-text\"> Tradisyon ni Aling Virginia: Mangtatawas mula sa Taytay <\/div><\/span>\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<\/summary>\n\t\t\t\t<div role=\"region\" aria-labelledby=\"e-n-accordion-item-3212\" class=\"elementor-element elementor-element-b005e80 e-con-full e-flex e-con e-child\" data-id=\"b005e80\" data-element_type=\"container\" data-e-type=\"container\" data-settings=\"{&quot;background_background&quot;:&quot;gradient&quot;}\">\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-5210c85 elementor-widget elementor-widget-image\" data-id=\"5210c85\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"image.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t<img decoding=\"async\" width=\"1536\" height=\"1024\" src=\"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/2-1536x1024.jpg\" class=\"attachment-1536x1536 size-1536x1536 wp-image-4522\" alt=\"\" srcset=\"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/2-1536x1024.jpg 1536w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/2-300x200.jpg 300w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/2-1024x683.jpg 1024w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/2-768x512.jpg 768w, https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-content\/uploads\/2026\/07\/2.jpg 2048w\" sizes=\"(max-width: 1536px) 100vw, 1536px\" \/>\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-985b497 elementor-widget elementor-widget-text-editor\" data-id=\"985b497\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"text-editor.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<p>Written by: Rufino H. Caimol III<\/p>\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<div class=\"elementor-element elementor-element-57c1c30 elementor-widget elementor-widget-text-editor\" data-id=\"57c1c30\" data-element_type=\"widget\" data-e-type=\"widget\" data-widget_type=\"text-editor.default\">\n\t\t\t\t\t\t\t\t\t<p><span style=\"font-size: 5em; font-weight: bold; float: left; margin-bottom: 1rem; margin-right: 8px; margin-top: 1.8rem; color: #ebebeb;\">S<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">i Virginia Canale, na malapit nang maging 65 taong gulang, ay isang kilalang mangtatawas at manggagamot mula sa Taytay, Rizal. Nadama niya ang kakayahang manggamot at magpagaling ng mga tao simula pa noong siya ay dalaga. Namana niya ang abilidad na ito sa kanyang pamilya, kabilang ang kanyang mga magulang, tiyuhin, at mga pinsan na ang ilan ay nanggagamot at nanghuhula rin sa Quiapo. Para kay Aling Virginia, hindi mahalaga kung saan siya nakatira\u2014maging sa Sta. Mesa, San Juan, Pasig, o Antipolo\u2014dahil ang kakayahang manggamot ay magagawa kahit saan basta&#8217;t marunong ang isang tao.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Itinuturing ni Aling Virginia ang kanyang sarili na parang isang doktor at tagapangalaga ng tradisyon. Kapag may nagpapagamot sa kanya, sinusuri niya ang mga karamdaman at nagrereseta ng gamot mula sa botika o mga halamang gamot. Bagama&#8217;t may mga pasyenteng hindi agad naniniwala sa umpisa, tumitibay rin ang kanilang pananalig paglipas ng panahon. Katunayan, marami sa kanyang mga pasyente ay lumalapit na sa kanya simula pa noong dekada &#8217;80, at ngayon ay dinadala na rin nila ang kanilang mga manugang at apo upang magpagamot.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Napansin din niya ang pagbabago sa paniniwala ng mga henerasyon ngayon. Ayon sa kanya, ang matatanda noon ay lubos na nanalig sa mga manggagamot, mangtatawas, at manghihilot dahil wala pang mga ospital sa baryo. Sa kabilang banda, ang mga kabataan ngayon ay mas nakatutok sa cellphone at hindi na gaanong naniniwala sa tradisyon ng kanilang mga ninuno. Dahil dito, hindi tiyak ni Aling Virginia kung kanino niya ipapamana ang kanyang mga orasyon at kaalaman, lalo na&#8217;t wala siyang sariling anak na pag-iiwanan nito.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Sa proseso ng pagtatawas, gumagamit siya ng kandilang tinutunaw sa tubig upang malaman ang pinagmulan at sanhi ng karamdaman. Sa pamamagitan ng mga hugis sa tawas, nakikita niya kung ano ang nangyari at kung sino ang may gawa ng sakit, at nilinaw niyang hindi siya gumagamit ng baby oil. Pinag-iiba niya ang pagtatawas, na nagsisilbing diyagnosis, sa mismong panggagamot na nangangailangan ng puyat, pawis, at gutom upang maka-survive ang pasyente. Nawawala at nababago ang mga nabuong hugis sa tawas kapag gumaling na ang pasyente matapos itong ilagay sa plastic at unanan sa pagtulog. Minsan ay nilalakasan niya ang mga dasal dahil baka bingi ang mga hindi nakikitang nilalang, at minsan naman ay taimtim siyang bumibigkas ng mga Latin na orasyon para sa kandila, kalan, at tubig.<\/span><\/p><p><span style=\"font-weight: 400;\">Mahalaga kay Aling Virginia na maibalik ang tiwala sa tradisyon, lalo na sa mga sitwasyong hindi kayang gamutin ng ospital tulad ng mga disgrasya. Para sa mga pasyenteng may malubhang sakit o taning, pinapayuhan niya ang mga itong magdasal at maniwala sa himala, dahil tiyak na kamatayan ang aabutin kung walang tiwala sa puso at isipan. Subalit, nirerekomenda rin niya sa mga may malubhang sakit tulad ng breast cancer na sumangguni sa doktor, at kung hindi sumunod sa kanyang lunas ay sinasabihan niya itong bumalik na lamang <\/span><\/p>\t\t\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t\t<\/details>\n\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<\/div>\n\t\t\t\t<\/div>\n\t\t","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>ARTICLES Sa Likod ng Pag-iral ng Pagtatawas sa Rizal Written by: Rufino H. Caimol III M abilis ang pag-progreso ng teknolohiya at medisina ngayon, pero buhay pa rin sa Rizal ang isang lumang kasanayan: ang pagtatawas. Gamit man ang patak ng kandila sa plato, tubig, o tawas mismo, hindi lang basta lumang paniniwala ang ritwal [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"parent":0,"menu_order":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","template":"","meta":{"_angie_page":false,"footnotes":""},"class_list":["post-2303","page","type-page","status-publish","hentry"],"_hostinger_reach_plugin_has_subscription_block":false,"_hostinger_reach_plugin_is_elementor":false,"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/2303","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/pages"}],"about":[{"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/types\/page"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2303"}],"version-history":[{"count":249,"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/2303\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":4768,"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/2303\/revisions\/4768"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/atingalumin.site\/iteration1\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2303"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}